Monday, June 13

Get Well Soon. 'pa.. :')

Papa is still at CLDH this moment.. Sa sobrang sakit ng nararamdaman nea, kailangan nea pang matarakan ng Nubain para kayanin nea ang kirot sa loob..
Kidney.. kidney na naman.. after more or less nine years, kidney pa rin ang dahilan kung bakit sya nahihirapan ngayon..
Kahapon sa pagsamba, hindi ko napigilang hindi humagulgol sa koro.. Gustong gusto kong kuhanin yung nararamdaman neang sakit.. Mahina na kasi ang katawan ni papa, ampayat payat na nya lalo.. Naalala ko pa last June 6, nung hinatid nea ko sa sakayan pabalik dito sa Makati, kahit na halatang pagod na pagod na sya pinilit pa rin neang maging strong ang itsura nya para di ako mag alala.. That time, iba na kutob ko, parang merong nang problema sa katawan si papa, kasi namayat na naman sya.. Then after five days, yun nga, sinugod na sya sa hospital.. Sa emergency room sya diniretso..
Nung sinabi ni ate rox sakin na bigla nga sya sinugod sa Concepcion, hindi ko pa agad naabsorb kasi ang saya saya dito sa office nun (blessing kasi ng bagong office ng tech last friday).. Then nung aroun 6 PM na, binasa ko ng paulit uliut ung txt ni ate rox, saka ko narealize kung ganu kabigat yung nangyari..
Para kong mauupos na palito ng posporo, hanggsng ngayon nanghihina pa ko.. Parang di ko kayang isipin na si papa, na ina-idolize ko sa pagiging sobrang strong at bait e nasa hospital ngayon at nanghihina sa sakit na meron sya..
Kababasa ko ng article about Nubain (nalbuphine) at nakita kong masyadong malakas na uri ng anesthesia yun.. Nawindang ako dahil sa sobrang dami ng side effects na meron yung gamot.. Hindi lang nakakapanghina, posible ring maapektuhan yung pagsasalita at ang vision ng pasyente pag nasobrahan ng tarak.. Andito ko sa office ngayon, pero di ko napigil na hindi maiyak sa nerbyos.. Pwedeng mautal ang pasyente pag hindi kinaya ng katawan nya yung taas ng dosage..Parang di ko kakayanin na makita si papa sa ganung kondisyon..

Kaya namin to.. Kaya ni papa kasi strong sya.. Kasi sya ang pinaghuhugutan ko ng lakas at inpirasyon.. Kasi kaming tatlo lang nila nitoy ang lalake sa pamilya..haha.. :)

Please pray for us.. pray for my father.. He's the center of our family, and we can't afford to lose someone so heartful and loving as him..

0 comments:

 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review