Wednesday, August 24

Katwiran ng babaeng "makakontra-lang-sa-norm" =D

1 comments
Imagine this kind of girl..


Straight hair..
Manipis ang labi..
Chinita..
Petite..
Slim..
Mahinhin kumilos..
Palaging nakadress..
Naive..


Anong naiisip mo?.. Ang ganda nea, di ba..? ^^


Well sa panahon ngayon yan na ang standard ng salitang maganda dito sa atin.. Hindi ko alam kung sino ang nagpauso neto.. Pero nung minsan nagising na lang ako isang araw na eto na nga to, established na..


Because of this gradually-built standard of the word "Beauty", nung minsan sa kalagitnaan ko ng pagtatrabaho e napatitig ako sa kawalan at napaisip.. Sabi ko sa sarili ko, "Talaga bang ito yun..?", sabay harap sa salamin.. Napakamot ako sa batok ko... "Syet..hohoh..I broke all of them.. ", eto na lang ang nasabi ko.. 


Ako ang kabaligtaran ng lahat ng yan.. Literal na kabaligtaran talaga - Kulot at hindi nagsusuklay.. Makapal ang labi (malapit nang maging kasing kapal ng sa Bratz!).. Malaki ang mata (kung makamulagat pa e parang wala nang bukas.. OA..haha..).. Matangkad. Tore. (5'8" ang height).. Chubby( parang sa lahat ng body parts e me mapanggigigilan ka.amp.).. One-of-the-boys (though I love make up..pero kilos pa rin ang pinag uusapan naten so excluded yun.hihi..).. Loves jeans(Sa kapilya na lang ako nagpapalda! =D).. At masyadong maraming sinasabi palagi (Hindi nauubusan ng comments.parang karaming alam.mapagmagaling)..


Ibig sabihin ba neto e ang mga kagaya ko ay wala nang karapatang maging maganda..?


<<deym...>>

I admit that I was hurt the first time this idea invaded me.. Sabi ko, napakaunfair namen..asar.. Para sa akin kasi, lahat ng babae me karapatang maramdaman na pleasing sila, hindi lang sa panlabas kundi lalung lalo na sa inner self nila.. Pero kung merong established standard para sa adjective na Beautiful e galit galit na lang tayong lahat..
Super daya talaga ng standard na to.. Matagal din akong nagmukmok dahil dito before..
Pero nung minsan, sa pananahimik ko, bigla kong naisip paganahin ang kapilosopohan ko sa reasoning.. Nang dahil sa pagkafrustrate ko nakabuo ako ng quote para dito sa berat na dilemma na meron ako..


"Don't ask someone what beauty means, for it is the most subjective word ever created."


Ewan ko kung san ko nahugot yung idea para makabuo ng isang quote tungkol sa kagandahan.. Siguro masyado lang akong inspired na gisingin ang utak ng mga tao na mali ang ginagawa nila na gumagawa sila ng sarili nilang standard para sa mga bagay bagay..
Ito ang dapat malaman sa society natin kapag tinatanong nila ang eternal na tanong na simula't sapul e problema na ng bawat isang babae na nabuhay at nabubuhay pa - "maganda ba sya? ano sa palagay mo?"..


Mga babae jan, basahin at intindihin nyo to..
Hindi mo kailangan mayat mayang gumastos sa kakaparebond para masabihan ka na maganda..
Hindi mo kailangang iparetoke ang labi mo o pati ang ibang part ng mukha mo para lang makapasa sa standards na binanggit ko kanina sa taas..
Hindi mo kailangang magpakamatay sa hindi pagkain para makaattarct ng mga guys sa paligid mo..
Hindi mo rin kailangan baguhin ang ugali mo para masabihan kang sobrang feminine sa pagpapanggap mong mahinhin ka..
At hindi mo kailangang manahimik at magsawalang kibo dahil sa takot na masabihan kang  "masyado kang maraming alam,kababaeng tao mo pa naman.".


All you need is yourself, with no pretensions and no plasticity..


Walang babae ang gustong masabihan ng panget, sino ba namang abnormal ang gusto nun.. Pero palagi nating tatandaan na ang kagandahan ay una, depende sa tumitingin,  at pangalawa, sa kung paano mo dadalhin ang kung ano ang meron ka..


Insecured girls lang ang nagpupumilit na makisabay sa standards na yan (maliban na lang kung natural silang ganun syempre..^^).. If you are confident enough, wala kang dapat ipag alala kung makakapasa ka ba jan o hindi..
Because at the end of the day, kailangan pa rin tanggapin ng bawat isang tao na lahat ng babae ay maganda.. depende na lang sa babae kung nagagandahan nga ba sya sa sarili nea. :)


You are beautiful. There's no doubt about that..


Forget the norms and standards.
Hell those. ;p


-Otet ;*

Thursday, August 18

Cous, Fab and I..

0 comments


OBSERVE: Curly hairs, big eyes.. vanity levels.. make face kung make face..

(Hindi ko alam kung ako lang nakakapansin neto pero feeling ko lang talaga, hawig kaming tatlo...)
hahaha.. tawa tawa.. =D

Wednesday, August 17

McDo. *wink!*

0 comments
Yesterday..

(haha.. I'm so overwhelmed I couldn't even find the right words to start this post. haha...!)

--OK let me start ulit. ;)

------------------------------------------------------------------------

Kahapon ang isa sa pinakamasayang araw ko dito sa Makati.. Nagkita kami ng isang tao na isa sa pinakagusto kong makita for the past 12 years.. Classmate ko sya for 3 years (grade 2, 3 and 4.. pero kahapon ko lang nalaman na classmate ko rin sya nung grade 2 sa GEI.. nagkabukingan lang.. haha..)Huli kaming nagkita nung grade four.. Salutatorian sya ng batch namin sa San Isidro Central Elementary School..

meet Fabrienne Ann Dizon..


  Alumna ng University of Santo Tomas, Certified RPh na sya ngayon.. Naligaw lang sya dito sa Makati for a job interview.. And since nakasumpong kahapon ang pagkalunatic ko, nagpunta na rin ako sa may makati ave para i-meet sya.. Hinanap ko pa sya kung nasaan sya banda sa makati ave.. Nung nakita ko sya, napangisi ako, lumaki lang sya ng konti, wala syang ipinagbago.. :3
She's still the naive-looking, simple and bubbly Fabrienne that I met over a decade ago, lumaki lang sya ng konti. hihi...
Nagkamustahan kami, tumambay sa McDo at sinamahan nea ko magpalipas ng oras habang umiinom ng coke float.. Sa loob ng 12 years na hindi kami nagkita maraming marami na ang na-miss ko sa batch namin sa SICES at sa La Paz na hometown ko.. Inupdate nea ko sa mga past and latest issues... bad and good news sa lugar kung san ako unang nagkaisip.. (chismosa rin kasi sya.. hahah..)..
Kinamusta rin nea ko, at parehas naman kaming nag enjoy sa kwento ng bawat isa.. Pakiramdam ko nakahanap ako ng isang napakaimportanteng bagay na matagal ko nang hindi nakikita.. Parang diary, kumbaga... ^^
La lang.. I hope we'll see each other again.. kakamiss yung mga taong kagaya nea.. :)

Tuesday, August 16

Strangers, again.

1 comments
Nagbabrrowse ako sa youtube kanina for the music video of the song "Strangers Again".. (LSS kasi ako dun kahapon pa..) Then, nacurious ako sa lumabas sa search results.. May movie clip na over 7 million ang viewers.. Kea binuksan ko yung link..

Kamuntik na ko naiyak. hahah.. short film pala sya about sa stages ng isang relationship..
Stage 1: Meeting - eto yung part na nagmeet kayo..
Stage 2: The Chase - Ligawan portion.. haha.. Pinaka exciting sa lahat ng stage
Stage 3: Honeymoon - Sharing each others lives.. Being fully expressive..
Stage 4: Comfortability - Alam nyo na lahat ang tungkol sa inyo..
Stage 5: Tolerance - taking for granted..
Stage 6: Downhill - Away..away..away..at away pa..
Stage 7: Break Up - Last stage..
Stage 8: Strangers - Hindi na ulit magkakilala..

Sobrang realistic yung flow ng kwento.. Nakakainis.. nakakasad lang.. parang ako yung natatakot para sa mga bida.. haha..

Curious ka na ba? eto nga.. ipopost ko naman eh.. :)) Watch this...


"You and I began as strangers..
You became my life..
We will become strangers, again.."

Ang kirot kirot...hahaha... nakakainis talaga... kaganda.. :')))))))

Thursday, August 11

Lola-in -heart. :'(

0 comments
Kahapon, August 10, 2011, Hinatid na namin si Lola Ante sa huling hantungan nea..
Shit, hindi talaga ko makagetover.. :'(

Kasakit lang kasi.. We've been together for more than three years.. Sya ang landlady ko.. Sya rin ang adviser ko kapag wala nang nagtatyagang makinig sa kin.. I did not see her worth until yesterday. Di ko man lang sya nabigyan ng special gift.. Parang hinintay lang nya ko makagraduate at makaalis sa bahay nya bago sya nawala ng tuluyan sa amin,.

Oo alam ko hindi ko sya kadugo.. Pero higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya.. Madalas yung pagkakataon na napapasakit ko ang ulo nea kasi matigas ang ulo ko.. Madalas akong ginagabi sa pangangapitbahay dun kila ate rox at sa hatinggabi ay ginigising ko pa sya para lang pagbuksan nya ko ng pinto.. Di ko man lang naiisip na hindi maganda ang pakiramdam nya palagi.. Pakiramdam ko ngayo puro kapaguran ang ibinigay ko sa kanya..

Kahapon, pumasok ako ulit sa boarding house ko.. Sa bahay na kung saan ay nakasama ko sya.. Nakita ko ang lahat ng emosyon niya.. ang takot kapag sinusumpong sya ng sakit nya.. Kung paano sya mag-alala kay Daddy Wel kapag napaparami na ang gastos niya sa mga gamot na iniinom miya.. Kung gaano karaming luha ang pumapatak sa mata miya kapag sobra syang masaya o sobra syang malungkot.. Mga tawa sa korning jokes namin nila Ok-Ok at Pia.. Mga ngiti sa likod ng malungkot nyang buhay dahil pakiramdam niya mag-isa na lang sya.. Hindi ko napigilang mapahagulgol sa balikat ni Daddy Wel.. Daig ko pa ang nawalan ng kamag anak, kahapdi pala sa pakiramdam.. Hanggang ngayon, kahit nasa opisina na ko at nagtatrabaho, ramdam ko pa rin ang pagkawala nya, at hindi ko pa rin mapigilan ang luha sa mga mata ko..

Di ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Na special sya sa kin.. Di na nya nahintay na makaluwag luwag ako at mabigyan ko man lang sya ng kaunting pakunswelo para sa ilan taon niyang pagtanggap sa kin sa bahay niya..

Ante, kung nasaan ka man po ngayon, mag iingat ka palagi..
Ngayon pa lang namimiss ka kita.. Sobrang namimiss kita..
Ilove you po..


Saturday, August 6

Lover's Quarrel: San ba to dapat ginagawa?

0 comments
Advise para sa mga magjowa jan: Kung meron kayong hindi pagkakaintindihan at meron kayong samaan ng loob, wag ugaliin ng kahit sino sa inyo na sa text, sa FB or kahit sa tawag kayo magtalo o magtry na magreason out sa bawat isa. Kung gusto ninyong mag-ayos kayo na as in "maayos" talaga, harapan kayo mag-usap kasi buong buong message at emotions ang makikita ninyo. Magsumbatan kayo, maghagulgulan pa at magduruan ng daliri kung gusto ninyo, basta sa personal dapat palagi inaayos o pinag uusapan ang problema. Not unless ayaw nyo na talaga ayusin at parehas na kayo naghahanap ng butas sa bawat isa.

Kung ganun lang din e minsanin nyo na lang. Maghiwalay na lang kayo ng diretso para wala nang maipon na sumbat at sama ng loob.

Tama o tama? :)

Friday, August 5

0 comments



insensitive by jann arden - this is one of my most favorite songs.. since i was grade five, kinakanta ko na to..  tapos nung sumampa ko sa high school, saka ko
lang naintindihan yung lyrics.. lalo akong nailove.. haha.. enjoy. ;)

Thursday, August 4

yesterday's lesson

0 comments
"Avoid the poison of flattery go to your head. It can lead you to a place where no one wants to go but you."
Sa tagalog,
Iwasan mong lumaki ang ulo mo, baka maiwan kang mag isa.
>:)
 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review