Thursday, August 11

Lola-in -heart. :'(

Kahapon, August 10, 2011, Hinatid na namin si Lola Ante sa huling hantungan nea..
Shit, hindi talaga ko makagetover.. :'(

Kasakit lang kasi.. We've been together for more than three years.. Sya ang landlady ko.. Sya rin ang adviser ko kapag wala nang nagtatyagang makinig sa kin.. I did not see her worth until yesterday. Di ko man lang sya nabigyan ng special gift.. Parang hinintay lang nya ko makagraduate at makaalis sa bahay nya bago sya nawala ng tuluyan sa amin,.

Oo alam ko hindi ko sya kadugo.. Pero higit pa sa kaibigan ang turing ko sa kanya.. Madalas yung pagkakataon na napapasakit ko ang ulo nea kasi matigas ang ulo ko.. Madalas akong ginagabi sa pangangapitbahay dun kila ate rox at sa hatinggabi ay ginigising ko pa sya para lang pagbuksan nya ko ng pinto.. Di ko man lang naiisip na hindi maganda ang pakiramdam nya palagi.. Pakiramdam ko ngayo puro kapaguran ang ibinigay ko sa kanya..

Kahapon, pumasok ako ulit sa boarding house ko.. Sa bahay na kung saan ay nakasama ko sya.. Nakita ko ang lahat ng emosyon niya.. ang takot kapag sinusumpong sya ng sakit nya.. Kung paano sya mag-alala kay Daddy Wel kapag napaparami na ang gastos niya sa mga gamot na iniinom miya.. Kung gaano karaming luha ang pumapatak sa mata miya kapag sobra syang masaya o sobra syang malungkot.. Mga tawa sa korning jokes namin nila Ok-Ok at Pia.. Mga ngiti sa likod ng malungkot nyang buhay dahil pakiramdam niya mag-isa na lang sya.. Hindi ko napigilang mapahagulgol sa balikat ni Daddy Wel.. Daig ko pa ang nawalan ng kamag anak, kahapdi pala sa pakiramdam.. Hanggang ngayon, kahit nasa opisina na ko at nagtatrabaho, ramdam ko pa rin ang pagkawala nya, at hindi ko pa rin mapigilan ang luha sa mga mata ko..

Di ko man lang naiparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Na special sya sa kin.. Di na nya nahintay na makaluwag luwag ako at mabigyan ko man lang sya ng kaunting pakunswelo para sa ilan taon niyang pagtanggap sa kin sa bahay niya..

Ante, kung nasaan ka man po ngayon, mag iingat ka palagi..
Ngayon pa lang namimiss ka kita.. Sobrang namimiss kita..
Ilove you po..


0 comments:

 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review