Thursday, July 25

Throwback Thursday! #KennyG

0 comments


Tracks:
To download Kenny G's mp3 for free:
1. Right Click -> Save Link As (Save Target As)
2. Change filename to Kenny G Forever In Love.mp3

Enjoy! ;)

Pair of Optics: A backtrack

0 comments
Contact lenses nowadays are sooo in trend. Aside sa fact na napakafashionable nila, binibigyan nito ng unlimited opportunities ang mga may problema sa linaw ng vision nila (gaya ko) to have a clearer perspective in their everyday's life. Hindi biro ang magkaron ng malabong mata noh. lalo na pag ganitong kaso sa akin. may Myopia ako. Kahit na sabihin nating karaniwang sakit na to ng mga toang exposed ng sobra sa computers, still hindi ko pa rin makuhang maimmune sa ganitong kondisyon.. Sa totoo lang, elementary pa lang ako, malabo na talaga ang mata ko at NEVER[!!] nagin madali sa akin ang lahat ng bagay na kailangang gamitan ng mata: Pagkopya ng lecture sa blackboard (matangkad pa mo ako kaya di ako pwede magstay sa harap), paglilista ng maingay (syempre tinitignan at hinahanap ko kung sino yung kaklase na maepal..), pag nasa science laboratory at kailangan ng keen observation sa mga pinapatest ni madam, mansepat ng gwapo pag nasa labas.. ultimo magwindow shopping hirap ako. :'(

I started wearing eyeglasses when I was in high school. nung perstaym kong magpasukat ng salamin, pakiramdam ko may fireworks sa paligid; parang di ko pate maabsorb na posible pa lang magin ganun kadetalye ang lahat ng nakikita ko sa paligid ko. Ang exaj neh. loko pero totoo yun.. Para sa isang 11-year-old na bata na ang grado ng mata e 125,  mahirap yun.. Salamat nama sa salamin at nakaraos ako ng high school nang malinaw linaw na ang lahat.. hahaha.

Kaso nung nagsimula na akong maconscious sa sarili ko (I was in 2nd year college that time), or should I say eh magmaepal at mag inarte (syempre naman guys aminin natin, sino ba naman ang babaeng ayaw maging edgy when it comes to physical attributes.. weeee!:D), nagsimula na akong magexplore sa iba pang inventions na makakatulong sa akin aside sa old-style bronze, rectangular shaped eyglasses ko na 3-4y/o na sa akin. Dun ko nadiscover ang contacts. Anga anga tlaaga ako nun pagdating sa mga useful but fashionable items kasi nga unang una wala naman akong extrang budget para sa mga ganun ganun. Pero salamat sa ate kong kunsintidora, nagkaroon ako ng transparent contacts.. :)))) At dahil naovercome ko na ang hesitations sa pagsusuot ng lenses, nagexplore na rin ako sa ibat ibang designs ng mga graded contact lenses na available sa market.. :)



Picture taken last 2011, CLSU Grad Ball, with my beloved Lenses supplier, Jenina Julian. :)




My emerald green contacts, worn by Chantal and Otet(me^^) with my last pair of graded eyeglasses ( Just Cavalli ).



A pair of  Sienna Brown Contact lenses from Executive Optical



My most recent contacts from Jenina Julian's Online Shop! :)


Sa mga gustong magtry, go lang.. sa una lang nakakatakot yan pero as soon as makasanayan nyo na, magiging ok na rin to sa pakiramdam.. Pero wag kalilimutang magpatingin muna sa mga optalmologist kasi baka meron pala tayong maliit na problema sa mga mata natin na magpeprevent sa atin para magsuot nito.. ingat ingat lang po..
And for those who are used on wearing these cute thingy, wag kalilimutan ang mga safety precautions sa paggamit nito, ha? HA? aynako. Contact lenses are very cute and nice, but let us not forget na hindi rin ito ganun kasafe kapag nagiging regretful tayo sa pag iingat ng mga to..:)

Wednesday, July 24

Conflict of Interest [?]

1 comments
June 03, 2013 - Ito yung unang araw na nakatapak ako rito sa PhilRice bilang official employee nila rito. Information Systems Researcher II. Yan ang job title ko. anyabang noh? haha. Talagang mayabang yan. at mayabang ako dahil sa job title na yan..

I'm currently working here as graphic designer/front end coder/ programmer. Masaya, oo. sa bawat araw na lumilipas nararamdaman kong naggogrow ako batay sa kung anong profession ang dapat ko naman talagang ipraktis. Their paying me with an amount that is much, much more that I expected. Walang conflict sa pera(sarap. :D), di ko kinailangang magadjust sa working environment(ahem.Muñoz to), nasunod ko ang gusto ni mama na sa gov't/gov't related agency ako magtrabaho, at, panghuli, nagggain ako ng experience batay na rin sa kung ano ang plano namin ng aking butihing nobyo (naks! :D)

Maraming mga bagay ang ipinagpapasalamat ko ng maraming marami. sa nakalipas na mga buwan, ang tahimik na ulit ng buhay ko.. me direksyon. may aim sa dulo.. maayos. matured.

pero ano ba talaga ang dahilan kung bat andito ako ngayon sa harap ng laptop, kabud nakatunganga sa harap ng monitor, at hindi tumitigil ang mga daliri sa kadudutdot ng keyboard..?
ganito yan.may gusto kasi ako..

gusto ko sa field ng sales.. gusto ko sya noon, at hanggang ngayon gusto ko pa rin yun.. gusto ko ng fame, gusto ko ng active social life,. gusto ko ng travel.. gusto kong magenjoy..
pangarap ko yun eh.. pangarap ko dun eversince. kasi alam ko sa sarili ko na dun ko mararanasan yung lahat ng yun sa madaling paraan..
kukwestyunin mo yan? kukwestyunin mo yung mga gusto ko? yung pangarap kong trabaho? yun kababawan ng mga nababasa mo ngayon..?  wag please.. kasi 21 pa lang ako.. supposedly andidyan pa ako sa stage na yan.. Dapat nagagawa ko kung ano yung mga makakapagboost ng self esteem ko, makakaenhance ng social skills ko.. Dapat hindi ko nalalaktawan yung stage kung saan bata ako, yumayoung, wild and free, ika nga nila.

Oo masyadong short-term. Para sa mga taong matured mag isip sino ang gugusto ng ganung buhay. sino ang gusto sa motto na "bahala na bukas"? wala nun.. eng eng lang ang me gusto nun.. At nakakahiya mang aminin e hinahanap ng sistema ko yung ganung pakiramdam..

Kaninang mga past 2pm, may tumawag sa akin. naghesitate pa akon sagutin nung una kasi di ko nga ugali ang sumagot ng tawag na galing sa number na hindi nakaregister sa phonebook ko.. pero merong urge na nagtulak sa akin para sagutin yung phonecall..
at tama nga ako. sana hindi ko na lang sinagot.. kasi phonecall yun galing sa isa sa mga target companies ko na pagtrabahuhan as sales exec.
OK so para paikliin ang kwento, dinecline ko ang offer ni Sir Caller, HR ni company kasi nga may work na ako.. but he persisted; he asked me three times if am I really sure bout my decision. Kasi approved na raw application ko at final interview na lang ang kulang ko. kasi natapos naman na yung 2 interview ko nung buwan ng April at May.. But still pinili k0ng maging firm sa binitiwan kong desisyon..
pagkatapos kong makipagusap, ayun, natungaw na naman ako sa harap ng monitor ko, pilit inaabsorb yung pagpupumilit nya na magbago ang isip ko kasi raw maganda raw yung package na ibibigay sa akin.

hindi masaya ang pakiramdam ko. nako kung masaya sa feeling yun e hindi grievances ang mababasa mo dito sa busit na note na to. Nanghihinayang ako. nanghihinayang ako ng marami.. hm.. kahirap.. sa mga desisyon binitiwan ko nitong mga nakaraang buwan, andaming napuluido, lahat ng unnecessary stuff eh natanggal, including yung mga naiwan ko sa dating uri ng buhay ko bago ko piniling magsettle sa iisang tao.

maraming mga bagay ang hanggang ngayon e inaabsorb ko pa. hindi ko naman tinatanggi na gang ngayon e nasa adjustment period pa rin ako.. sa palagay ko naman yung mga ganitong pakiramdam e implied nang mararamdaman ko talaga, sa gago ko ba naman nung asa pampanga pa ko eh talagang matinding panininbago ang mararamdaman ko. sabi ko nga sa huling note na ginawa ko, abrupt masyado yung mga pagbabagong iniapply ko sa sarili ko nitong nakaraang anim/pitong buwan. kaya anong aasahan ko naman di ba. yun lang, di talaga maiiwasan na bumalik balik ako sa kung anong pinanggalingan ko, hindi para magstay dun kundi para palagi kong maisip at makita ang lahat lahat ng dahilan ko kung bakit pinili kong ibahin ang lakad ko at makita kung gaanong kabutihan ang idinudulot ng desisyon na to sa sarili ko at sa mga taong mahal ko at malapit sa akin.


(OK tama na yung sales sales na yan. magcode na. :D )



 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review