Do I really have to make a review about 2014?
haha. Di ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa harap ng tablet at nagpapublish ng bagong entry dito sa blog ko.. it's been a while since my last update at sa naaalala ko, wala pang sense ang last post dito. Oh well, siguro may sense yun para sa akin nung kasalukuyan kong pinapublish yun. Hm. Ok enough na sa walang kakwenta kwentang kaekekan. Tara nang dumako sa review about my favorite year ever. 2014.
January 2 ngayon ng taong 2015. Yey. Belated happy new year sa ating lahat. Napakasensible ng nakaraang taon para sakin. Lahat na ata ng kalechehan nangyari na.. ay sorry.. wala nga pala akong naisulat dito sa aking butihing blog/diary about sa mga yun.. isa isahin nga natin para maupdate ka.. :)
February, 2014. Umalis si Glenn. LDR blah..blah..blah.. isang teknikal at magulong relasyon. Alam mo na yun. LDR nga di ba. E di syempre implied nang napunta sa wala lahat ng kagagahang happy ever after na pinangarap ko nung mga kapanahunang aning na aning ako sa kanya.. well, too bad for both of us. Bye, fairy tale happy ending.
June, 2014. Naopera si mama. Nagkautang ako ke ex jowa ng nasa 85,000 sa pag aakalang mababayaran ko yun in 5 months time. Andyan naman kasi si PhilRice di ba. Ganda ng sweldo ko eh. 23k per month. Yey.
July, 2014. Wala pa mang isang buwan after ng successful operation ni mama sa bato sa apdo, umarangkada na si papa sa kanyang.. anu na kasi tawag dun sa naging sakit nya. Ays. Nakalimutan ko na. Hahaha. Basta to make the long story short, pumutok ang ugat ni papa sa ulo, nag stay kami sa 3 hospitals (palipat lipat,) for almost a month, at nung JULY 26, 2014, namatay din sya. Yey again. At dahil gumastos kami ng around 800,000 pesosesosesosessss, kaming tatlong magkakapatid ay kasalukuyang baon sa utang. Si ate rox na napuno ng loans.. ako na magbabayad ng utang kay anti juvy na nagkakahalaga ng 200,000 pesos at si ate rose na.... wait. Anu ba utang ni manang? Hahaha! Wala ata, pinashoulder na ata nya lahat sakin. Tangina. Hahahaha. Sorry sa word ha. Leche lang kasi talaga eh. Hahaha. At aside sa 200,000 kay anti juvy, meron pang additional na 80,000 [again!!!] kay ginoong Saraus na napakagenerous. Clap clap. Bale magkano na utang ko lahat lahat? 200 plus 165,000 equals 365,000.. wala pa interes.. panu ko babayaran yan? Yan ang aabangan ko rin dahil wala ako idea kung papano. Haha! Tcha talagang buhay to.
o di ba ang saya. Ay! Nakalimutan ko. Bale sa kasalukuyan pala ay anim na bwan na akong tambay at walang trabaho. Palamunin ni mudra at aning na aning na sa buhay ko kung saan at papano ako ulit magsisimula. Di naman ako pwede magpakamatay dahil walang magbabayad ng sandamakmak kong utang..
ano nga bang point ko bakit ako naggagawa ng entry ngayon..? Wala naman.. siguro...siguro kailangan ko lang din ng kausap.. iilang piraso lang naman ang kaibigan ko.. saka nahihiya naman ako mangistorbo ng ibang tao para lang magkwento ng mga wasted stories na gaya ng nabasa mo sa itaas..hehe.
Pero sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung papaano magsisimula ulit..
yun lang un point ko dito.
happy new year. goodluck sakin.
Blog Archive
Labels
addiction
(6)
babae
(4)
bisyo
(2)
bitter
(7)
Chat
(1)
cous ko
(3)
CSS
(2)
emo
(5)
fabrienne
(3)
Facebook
(1)
family
(2)
father
(1)
frappe green tea
(1)
Free MP3 download
(2)
Free MP3 download Old Songs
(2)
Frustrations
(2)
Future
(3)
glass can lime
(2)
Happiness
(5)
Having a different career
(1)
headache
(3)
health advisories
(1)
heartaches
(8)
Hope
(2)
IT
(4)
JobSeeker
(1)
komentaryo
(3)
kwento
(4)
lalake
(1)
laughs
(2)
life's lessons
(14)
likes
(6)
Long-Term Plans
(2)
Love
(9)
Maturity
(4)
memories
(6)
mga nakakairitang bagay
(6)
Movies
(2)
moving on
(2)
Nubain
(1)
OJT
(1)
patama lines
(3)
PhilRice
(1)
PNOY
(1)
Poem
(1)
poetry
(2)
reflections
(4)
Rozette
(2)
Sacramento
(1)
sadness
(7)
Sandogards
(1)
skills
(1)
sleepless nights
(2)
SONA
(1)
Songs
(1)
TechCellar
(3)
time
(1)
Unemployed
(1)
MyLinks..
Friday, January 2
Subscribe to:
Posts (Atom)