Friday, July 29

Insan and I... ^^

0 comments
rozettepmanebog(07/27/2011 10:14:20 AM) : magandang impluwensya si Ryan san infairness.. gaan gaan ng loob ko ngyon..
Esteban Belarmino(07/27/2011 10:14:48 AM) : hmmm di ka nagkamali sa pagpili kay ryan, iba aura nya san.... nung una iba na pakiramdam ko sa kanya.. :)
rozettepmanebog(07/27/2011 10:15:58 AM) : panung iba, san..?
Esteban Belarmino(07/27/2011 10:16:07 AM) : kaya nga nagtaka ko bakit kayo nagkarun ng conflict, pero one way ang conflict for strong relationship... remember mo ba nung nasa bhaus tayo nung ojt times?
rozettepmanebog(07/27/2011 10:17:18 AM) : opo san.. o bakit..?
Esteban Belarmino(07/27/2011 10:18:05 AM) : nagask ka sa akin nun kung ano opinion ko.. and boto ako kay kuya ryan.but you know him better than me... so only you can prove me right ... or wrong :)
rozettepmanebog(07/27/2011 10:19:58 AM) : ..you're right san..
Esteban Belarmino(07/27/2011 10:20:28 AM) : wow.. glad to here that...:)
rozettepmanebog(07/27/2011 10:20:43 AM) : lakas ng vibes mo, nagpapasalamat nga ako at naging malapit tayo.. ikaw ang madalang na taong ganyan pa lang ang edad e matured na.. at nahawa ako sayo.. :)


(lakas ng pinsan ko.. kea sa kanya ko eh.. ^^)

Ah.. yun pala yun..

0 comments

profanity [prəˈfænɪtɪ]
n pl -ties
1. the state or quality of being profane
2. vulgar or irreverent action, speech, etc.


(Kung di ko pa kinailangang maintindihan di ko pa hahanapin to.. )
Tamadong tamado ko langya.. Magpapakabait na ako.. :'(

Thursday, July 28

Blogging..

0 comments

Nagugutom na ko.. At dahil dyan, nawawalan na ako ng idea kung anong dapat kong ipost dito..

Mahirap mag-isip ng blogpost.. Sa totoo lang, ang pagba-blog ay hindi simpleng trabaho.. Hindi lang ito basta makapagcompose lang ng kung anong bagay for the sake na masabing "updated" blog ng blogger. Natatandaan ko pa nung una akong nag-attempt na gumawa ng blog (I was in my sophomore years then), nagkandaloko yung blog ko, nasira yung template, at wala talaga kong maipost na sa tingin ko e magiging interesante so I decided to delete it..
Pangalawang attempt ko e nung nag-oojt na ko dito sa Tech.. Sobrang desperate akong maexpress ang sarili ko that time, kaso wala naman akong time magsulat sa diary, kea lumitaw ang blog na to.. Pero sa pagtagal tagal ko dito, marami akong nadidiscover at natututunan.. I have to come up with an article na hindi lang puros pantatrashtalk at panguuyam sa kapwa ang laman.. Mas masarap magblog kapag sensible ang ipinopost.. Mas satisfying, kumbaga..
Sa pitong buwan ko sa paggamit ng blog na to,  hindi ko lang naeexpress ang sarili ko, nareretain ko pa ang knowledge ko sa coding na hindi ko na nagagamit ngayon sa work ko.. And it really makes me happy knowing that it was I who created all the stuff here..
Maganda ang merong sariling blog.. I can say na ito ang kabilang mundo ko everytime na gusto kong mag-escape na sa dami ng pressures at problema pati dilemma na hinaharap ko araw araw.. Sa twing bubuksan ko na ang blog ko, feeling ko pumapasok ako sa lugar kung saan ako lang ang pwedeng pumunta.. Pakiramdam ko immortal na ko.. Ang sarap kapag nakikita kong napreserve ko pala ng buong buo ang mga laman ng isip ko mula nung nagsimula ako, from every words.. pati yung feelings, nagrreflect ng bonnga sakin, as if bumabalik ako dun sa momrnt na nangyari yung event na yun..  Ugali ko naman kasi na me maisip at me mangyari lang e ipopost ko na agad,.
Walang sayang sa bawat oras na inilalagi ko sa loob ng account na to.. Kapag nandito ko, walang makakapanakit sa kin, akin ang bawat minuto ko.. at kapag andito ko, sigurado ako na lahat ng mga naririnig ko at nababasa ko rito ay puro totoo..

Hindi madali ang magblog.. mahirap mag-isip ng approach na makakacapture ng interests ng mga readers.. haha.. but if you don't intend to please others, then just be yourself. Or if you want, pagsamahin mo yung dalawang approach.. I'm sure mas magiging fulfilling ang pagbablog pag ganun.. :)

Stop Judging me, ok?

0 comments


"So you think I'm
[so and totally] into them
[and to you!].
I'm sorry my dear but I AM NOT.
I just know how to appreciate beautiful things.
But don't worry, you are not one of them."
I noticed something strange lately. Actually ayoko na sanang bigyan ng spice to.. Pero this morning, naconfirm ko na tama ang iniisip ko.. Nakakainis lang, so dapat lahat ng galaw ko mamisinterpret?.. Anu ba naman..
[Gee.. This is one of the things I hate most.. grr!]

I don't have to prove anything to anyone.  I am what I am with no pretentions and "plasticity".
Ngayon if I am misjudged by the way I act and the way I treat other people, I don't think na nasa akin ang problema..
Totoo pa lang innately judgemental ang tao. Natawa na lang ako nung may tumingin sa kin a paraang sobrang nagdududa at the same time e nandidiri. Ang unang reaction ko e,
"<what the-- ?!>".
Hahaha! Jusmioh.. 'WA NA KO SAY..
Nakakainsulto at nakakainis pero at the same time e nakakatawa talaga..
Wala akong gusto sa yo maygad! hindi pa demoralized ang sistema ko para pumatol sa gaya mo, mahiya ka naman sa balat mo..
HAHAHAHAHAHA.. You're funny, girl..
"I don’t know what makes you so dumb but it really works."

Monday, July 25

State of the Nation Address (SONA) 2011: Isn't this a waste of time?

0 comments

"Blaming previous gov't for a year and NOT solving the problems of our country is the worst political style I've ever seen.
Will you grow up, Mr. President? Instead of trying to hide your failures by the targeting the last administration, why don't you go out and WORK and make yourself responsible?
MAKE A CHANGE! KUMILOS KA, HINDI YUNG PURO KA SISI!

(PNOY's 2nd State Of the Nation Address. July 25, 2011. 3:30PM. Let's check this out.)"

Mamayang 3:30 ng hapon, ang buong pilipinas ay mapapanood ang pangalawang SONA ng ating kasalukuyang pangulo. Sa totoo lang naeexcite kong mapanood at marinig ang speech nya. Nangangati ang tenga kong marinig kung anong mga accomplishments nya since nung last neang SONA. (I wonder kung meron nga ba or puros pambabato na naman sa dating admin yung sasabihin nya run mamaya.)
Yesterday, Ryan, Tito Ed and I talked about this stuff. pare parehas kami ng opinion.. ewan ko nga ba kung bakit gumaganito ang presidente natin. At ewan ko sa mga pilipino kung bakit sya ang binoto natin..
Isa nga lang naman syang ordinaryong tao, sabi ni tito ed.. napaisip ako.. oo, totoo yun.. naglilibang sya, mahilig sa music.. lumalovelife.. pero di ba, sa pagpasok sa ganito kakomplikadong trabaho, alam  mo na dapat at kailangan mo ring maging komplikadong tao..Komplikado in a way na makakaya mong balansehin buhay mo bilang tao sa  bigat ng trabaho, mga mapanuring mata na tinititigan ang bawat galaw mo.. at sa dami ng pressure at problemang nakapasan sa yo.. At dapat alam mo na pag pumasok ka sa field na to, marami talagang mawawala sa yo.. So bakit mo sasabihin na ordinaryong tao ka lang when you know na hindi ka pupwedeng maging ganun? Parang mali yata yun..
Meron pa kong isang gustong bigyan ng puna..
Halimbawa, merong isang aso.. Nangangayayat sya tas halatang gutom na gutom.. sa pagtatanong mo, nalaman mo na yun palang dating nag aalaga sa aso e iresponsable. Hindi sya pinapakain ng maayos.. tapos maysakit na nga, hindi pa pinagamot.. Di man lang sya binigyan ng budget para maipagamot sya at mapakain., instead ginamit sa luho neang pansarili lahat ne pera nea. pinabayaan, kumbaga. Tanong ko, anong gagawin mo?

   A. Iiwanan mo ng konting pantawid gutom yung kawawang aso at hahanapin mo yung dating nagpabaya sa kanya para mabigyan sya ng justice
  B. Ipapagamot mo yung aso, magfufulltime ka sa pagaalaga sa kanya at magpapatulong ka sa mga ibang taong nagmamalasakit din sa kawawang hayop para mahanap yung taong yun..

Parehong mabuti ang pakay ng dalawang option na yun.. pero hindi ibig sabihin na parehong mabuti e kahit na alin na ang gawin mo,.
Ang ginagawa ni PNOY sa Pilipinas ay yung nauna.. Maganda ang intensyon nya.. gusto nyang mabigyan ng katarungan ang mga pilipino (sige aayunan ko na sya rito.. di ko na aalisin to sa kanya..) Pero in a way, mali pa rin eh.. kasi pinababayaan nya na yung talagang trabaho nya..

Hindi sya ibinoto ng mga pilipino para LANG mabigyan nya ng justice yung nangyaring katiwalian noong dating administrasyon. Ang talagang dahilan kung bakit sya ang pinili kasi ipinangako nya na gagawa sya ng pagbabago. Gagawa sya ng himala sa bansa natin. Iaahon nya tayo sa hirap..Pero anong ginagawa nea? WALA..

Sige sige.. oo na, pwede pa natin syang bigyan ng benefit of the doubt kasi isang taon pa lang naman ang lumipas mula nung manumpa sya bilang pangulo. Hindi naman ako irrational at unfair, kaya sige na, sa sarili ko, bibigyan ko sya ng isa pang taon para patunayan ang sarili nya. Sabi ko nga sa FB, baby pa sya, baka nasa shock stage pa.. Hintayin ko munang dumating ang susunod  na SONA, obserbahan pa natin ang mga tira-tirada nya mula bukas, ang unang araw sa taning nya sa tiwala ng mamamayan, hanggang sa bisperas ng kanyang ikatlong talumpati..

Sana lang patunayan naman na nya na deserving syang maging pangulo.. Sana kumilos na sya.. Kasi sa ginagawa nea ngayon pinapatunayan lang nyang sya ang karma ng Pilipinas sa padalus dalos na desisyon ukol sa pagboto ng mga mangunguna sa bansa.
Oo nga naman. Sino ba naman kasing nahihirapan at nagugutom? Sya ba? Hindi naman di ba..

Friday, July 22

refreshed! ;)

0 comments

Cascading Style Sheet..

It's been quite a while since I use CSS here in my blog..
Grabe.. Sobrang namiss kong gawin to.. :')
With the help of different links and Goo, na-recall ko na rin kahit papano yung basics.. And I'm happy to realize na hindi pa pala ako sobrang kinakalawang..

I'm planning to use this blog to practice my coding skills kasabay ng pag-eexpress ng mga ideas na bigla bigla na lang pumapasok sa utak ko.. tama nga sila boss, nasa sa akin pa rin kung hahayaan kong mangalawang ako sa field na to..

I tried dividing this post into two columns, and I used div and classes in customizing the overall style.  Sa tingin ko effective pa naman at kaya ko pang imanage to, kasi si naman nabasag tong post.. hehe..

Trial lang muna po.. next post ko siguro try kong gawing ms complex to.. and I want to add more text contents, para mas visible sa crawler..  gusto kong imaximize tong blog, para kung sakaling may mangyaring di maganda sa kin, mag-eexist pa rin ako.. haha..:3

Wednesday, July 20

Headache! :'(

0 comments
Hindi pa rin ako OK..  >.<
Kagagaling namin sa Magallanes kanina, meeting ulit, as usual.. Yun lang ang dahilan kung bat ako pumasok, actually..
Panhik-panaog sa MRT station, labas masok sa mall.. Mainit.. tas biglang lamig.. Isama pa ang isangdaan at isang sakit sa ulo dahil kay Mr. Ever-demanding freelancer na contact namin sa isang prospect client namin (pinagalitan kasi ako!
:(( ). Resulta? binat ulit, sobrang sakit ng ulo, hilo at antok..
Pagdating dito sa opis, knock down na naman ako.. pumipintig ang sentido ko tapos sobrang nagugutom ako.. parang hinigop yung lakas ko na inipon ko kahapon nung umabsent ako.. Kakawalang ganang magtrabaho pag ganito pakiramdam. Buti nga medyo nabawas bawasan na yung bigat mg pakiramdam ko kasi yung major prob ko, hopefully, maging ok na mamaya.. At least may pag asa na ngayon.. Kahapon pakiramdan ko walang wala na,. :')


Kailangan ko ng pain and stress absorber..  Kailangan ko pa ng pahinga.. Kailangan ko ng stresstabs.. :))

Monday, July 18

wag kalikutin ang makina ng sirang kotse.baka lalong masira.

0 comments
Siguro nga hindi na maibabalik sa dati ang isang bagay na nasira na kahit na pilitin itong ayusin at kahit na palitan ang pyesa nito na naging dahilan para hindi ito magfunction ng maayos. Siguro magiging maayos ang takbo nito sa una, pero kaunting sablay lang, magmamalfunction na yun ulit. Worse? Lalo itong masisira..

Friday, July 15

July 14 and 15.. This week's green days.. :))

0 comments
Sir ryan and I went to Bucks yesterday to meet Ms. Michelle, one of our demanding clients [hahaha..].. 4:30 ang sched ng meeting, 4:45PM na kami dumating dun, pero 5:00PM na, wala pa sya.. Natiwang kaming dalawa run, na-okray na namin lahat ng pwedeng ma-okray, tumiwarik na ko't lahat, wala pa rin si Ms. demanding.. >.<
"Tarang umorder". sabi ni Sir Rye. Ou nga aman, kesa matiwang kami dun sa kahihintay.. E di go..
Nagkataon naman na matagal na kong takam na takam sa kulay ng Frapp Green Tea.. hahaha.. (cute talaga ng green! ^^)
chocolate chip for sir rye,  green tea for me..

green tea.. this is my first green day for the week.. :))


Kanina naman, nag kayayaan kami ng team sa McDo.. Nung monday ko pa kasi sinisipat yung can glass dun.. haha.. kea kanina, I bought one, with lime in color..
 here it is..^^ 

 nung nahawakan ko yung can glass ko, tuwang tuwa ako.. kasi ang ganda ganda nea sa paningin ko.. haha.. salamat sa green stuff na mga to, hindi ako masyadong upset ngayon kahit may nalaman akong hindi maganda.. :)


haha.  kompleto pa rin linggo ko..
:)))

My Can Glass...:3

0 comments

I love this glass.. (I have one!) :))
 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review