I used to work at PhilRice Main office from June, 2013 to June 2014 as part time Front End web developer and fukl time e-book converter (Lamu yun, yung icoconvert mo yung mga pamphlets and books mula nung 1990's into soft copy, basically maghapon magdamag kang magtaype sa laptop ng texts galing sa hard copies). Boring, alam ko.. Pero no brainer. Relaxed. Walang pressure na trabaho. (Dreamjob amf!)
Palagi ako sa library nageencode.. Most of the time hindi mo ako makikita sa cubicle ko, kasi tahimik sa library at mas madaling magtrabaho dahil sa dami dami ng pages ka kailangang kong kopyahin, kapag maingay, napakahirap magconcentrate. Isolated ako palagi dun sa far most right corner ng library, basically yun na yung ginawa kong unofficial pwesto ko 8 hours a day, 5 days a week.. Walang distractions dun, wala ring signal ng phone kaya lahat ng attention ko nakafocus lang sa laptop, at sa 500 page book na kailangan ko tapusin.
Isang umaga somewhere around.. Late November of early December 2013 kung hindi ako nagkakamali, pagpasok ko sa library, may nakaupo sa pwesto ko. Very unusual kasi wala namang nagpupunta dun sa pwesto na yun at wala ngang mobile signal dun. Nagbobrowse sya ng mga old magazines, nakaharap sya sa wall at nakaheadset. Being the snobbish at walang pakialam sa mundo na tao, hindi ko na lang kinausap. Nagpunta ako sa corner parallel sa kanya, wala naman ibang pwedeng pwestuhan at nandun lang naman yung isa pang power outlet.
After around 30 minutes ng pag eencode, nagpahinga ako saglit. Out of nowhere napatingin ako sa guy na nasa tapat ko. Kinakalipunpuna sya ng tatlo or apat na babae ata. Napataas kilay ko kasi ang ingay nila.. naghahagikgikan pa ang mga babae habang kinakausap sya, obviously kinikilig sila. I have absolutely NO IDEA kung sino ba yun. Natural nacurious ako. Syempre yung body language nya ang yabang eh. Proud af. Umalis na lang ako dun at bumalik sa cubicle ko sa department namin.
Around lunch time yung mga taga research department nagpunta sa office namin, bandang 2:30 daw magreport kami sa philrice hall kasi may pag uusapan daw tungkol sa christmas party.. De syempre punta naman kami ni Wendy, si colleague/bff ko at that time. May memo eh. Haha. Pagpunta namin dun, ang unang una kong napansin is yung lalaking nakaupo sa kabilang row na nasa harapan namin.. tinanong ko si Wendy. "Bakla, kilala mo yun? Nakita ko sya sa library kanina pinagkakaguluhan ng mga babae."
"JUSMIOH! Si Chin yan at kung ako sayo bakla wag mo nang alamin. Sya lang naman ang pinaka mayabang na lalake dito sa buong Philrice!", sagot ni Wendy na may pagkadismaya at sobrang pagkairita ng tono ng boses nya. Syempre nung sinabi nya yun naisip ko na tama pala at eksakto ang impression ko sa kanya. Pero di ko pwedeng itanggi na kahit hindi ko pa nakikita mukha nya, sobrang lakas ng dating nitong lalaki na to.
Proceed sa meeting.
Tahimik lang kami ni wendy na nakikinig habang nagbebrainstorm yung panel ng mga"Punong abala" sa paglelayout ng program.. Pero nagsisimula na akong mainis dito sa particular na Chin na to kasi di naman sya kasali sa mga leadera eh sabad ng sabad. "Hanyabang ateng!!!", sabi ko kay Wendy. Totoo nga pala! Tapos kapag tumayo pa at naglakad kala mo may kulani sya sa kili kili!!!!!😤😤😤 Hindi ko na lang pinansin. Gang sa 5pm na at uuwi na di na ko kumibo.
After 3 days nagpataqag ulit sila ng meeting. Practice daw un for dance xmas presentation ng mga new recruits. Sige go na kami ni Wendy.. Ang una nila ginawa ay sorting of partners by height. Sa malas ko namang nilalang, namumukod tanging si Chin lang ang 5'9" na compatible sa height ko na 5'8". Samakatwid kami ang partner. Tumingin ako kay Wendy para humingi ng saklolo at nakita ko sila ni Henry (isang web developer din namin sa IT department) na magkapartner, na tawa ng tawa habang tinutukso ako. Imbyerna much!
Natapos ang practice. Balik ako agad kay Wendy at Henry na panay ang sabi ng "ooooooyyyyy bagay height nilaaaaaaaa... perfect combinationnnnnnn..." ako naman ngitngit na ngitngit na dahil pagtingi ko sa kanya andun na naman sya kasama ng fans club nya
Dafuq! Oo aaminin ko may itsura naman sya.. medyo hindi sya mukhang pinoy. More like, asian pero mixed. Di ko alam kung anong particular na mukha meron sya.. pero hindi sya mukha pinoy. Flat-faced, bilog ang mata na mapanga. Medyo moreno dala nang pagbubukid siguro. Medium built, crooked teeth at yung ilong nya eh matangos na may parang buto sa gitna.. In total fairness kay kuya may karapatan naman sya magyabang kasi anlakas ng dating nya. Kasp nasobrahan naman kasi sa hangin. Well kung tatwnungin nyo ko kung nag uusap ba kami nung time nag nagpapratice kami ng sayaw eh ang sagot ay hindi. Di nya ko nginingitian di ko rin sya kinakausap. Wala naman dahilan para maging nice sa kanya di ba.?
Nung mga sumunod na linggo, 3-4 times a week ang practice namin.. as usual after every practice bumabalik ako kila wendy. Pero nagkakaroon na ng bonding yung group. After 2 weeks sabay sabay na kaming lumalabas after. Nagkukwentuhan na parang mga magkakaklase at masaya nang nagbibiruan.
Except sa kanya..
Hindi parin nya ko pinapansin. Ni hindi nya ko tinitignan kapag magkaharap kami sa practice. Ang yabang tlga nya at hindi na simple asar lang ang nararamdaman ko. Naiirita na ko aa kanya. Siguro dahil sa lahat ng lalaki na nandun sya lang ang hindi nagtatry kumausap sakin.. tapos kapag may practice ng kanta, lahat sila pinupuri ako at kinocongrats (kasi kumanta rin ako sa xmas party. Oo ng Up Dharma Down yun. Tandang tanda ko pa.😂) tapos sya walang pakialam. Ni out of courtesy di nya ginagawa! Sobrang yabang nya..
Dumating ang last day ng practice. Walang bago. Ganun parin ako sa lahat. Ganu parin sya sakin. Medyo nawalan na rin ako ng pakialam kasi in the first place di naman kawalan sakin kung di nya ko iapproach. Pero nung pauwi na kami, mfa almost 8pm na yun, hinatid ko na si wendy sa dorm nila tapos si henry naman nagdrive na pauwi.. naghihintay ako ng jeep pabalik sa Muñoz, sa boarding house ko, nung biglang may tumawag sakin sa loob ng gate.
"Hello. Wala kang kasabay?" Pagharap ko, si Chin pala.. nakapamulsa at nakangiti habang naglalakad palapit. "Ha? Ako? Wala. Nauna na sila wendy sakin tapos puno na yung jip na huminto kaya di na ko nakisiksik dun sa iba nating kasama. Ikaw bat nandito ka pa?" Sagot ko. Medyo nag stutter yata ako nun pero di ko pinahalata. Intimidating kasi tlga aura nya. Ewan ko siguro dahil mayabang sya kaya ganun. "Ako kasi ang naglock nung hall kaya nahuli ako. Ako naka assign ngayon." Sabi nya habang inaabot yung susi sa guard.
Nagkwentuhan muna kami habang naghihintay ng jeep na dadaan.. di naman pala sya sobrang mayabang. At hindi sya umalis hanggat walang jeep na dumaan para sakyan ko. Pero bago ako makasakay, tinanong nya ako kung may gagawin daw ba ako sa weekend, which is the next day.. at kung wala daw baka pwede ko sya masamahan sa town para magdinner. Dinecline ko sya at sinabi kong meron, kahit wala naman.. So nagapologize na lang sya at nagbabye sakin.
Ayun christmas party na.
Masaya yung program. Inabot ng bandang mga 9pm yung program at lahat ng mga nasa philrice, didiretso sa lantern festival sa CLSU para manood naman dun magdamag. Excited na lahat.. si Wendy ang kasama mga dormmates nya. Si Henry kasama ang girlfriend.. at ako? Eto naglalakad na palabas ng philrice para umuwi ng bahay at matulog. Wala akong planong pumunta. Nasa CLSU na si glenn nung time na yun. Kasama mga ibang tabets. Nag iinom na sila. Sobrang badtrip ako kasi di nya ko sinundo at wala syang pakialam sakin dahil mula 5pm nag iinom na sila.. So ayun. Laglag balikat ko at walang gana nang biglang may humabol at humawak sa braso ko. Pagharap ko si Chin pala. Humihingal. "Kanina pa kita hinahanap Zette. Akala ko nakauwi ka na." Tapos nakangiti sya pero halatang pagod. Naguluhan ako. Sabi ko, "bakit Chin may kailangan ka?" Then he asked me, "I just want to ask if I can invite you to go to that lantern festival with me?"
Jusko bakla yung puso ko nalaglag sa sikmura ko.