Friday, September 30

haaaayyyyyyyyy... ^^

2 comments

You are my very first thought in the morning and my last at nightfall..
I love you times the stars..

(sa mga ganitong instances ko minamahal ang poetry.. haha..)
superb! :D

Wednesday, September 21

Time..

0 comments
Base sa experiences ko sa paghahandle ng isang intimate relationship, I can say na ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangang matutunan ng bawat isa ay ang paglalaan ng oras.. Super importante to kasi pwede nating sabihin na dito rin masusukat kung ganu ba kahalaga sa atin ang isang tao. Mahalaga kasi sa atin ang oras.. Syempre di naman natin gustong magspend ng time para sa isang tao if we don't think worth it sya..

Pero merong mga pagkakataon na hindi maiiwasang mawalan tayo ng time para sa kanila.. Lalo na kapag ang kaagaw nila satin ay career at family.. Yung dalawang yun ang hindi natin pwedeng i-give up, kasi mas importante paring yun kesa sa love life.. Bilang isang babaeng nakaexperience na ng ibat ibang situation na involved ang time issue, natuto akong maging matyaga sa paghihintay kapag dumadating ung point na ala akong choice kundi gawin yun.. Merong mga pagkakataon na makirot, pero iniintindi ko lang since ala naman akong laban kapag yung dalawang ni-mention ko sa baba ang kalaban ko..

Meron nga lang nagiging conflict sa mga ganung pagkakataon kung hindi naman tayo innately matyagang maghintay.. Ako aaminin ko hindi ako yung tipo ng taong maghihintay ng ilang oras para makasama ang isang tao ng mga ilang minuto lang.. Dun ako sa bagay na yun hindi martyr..:)) Hindi kasi kasama yun sa mga characteristics ko.. Aminado naman akong maikli ang patience ko kapag literal na hintayan ang pag uusapan..Gusto kong matutunan yun kasi nga alam kong importanteng bagay yun sa isang relasyon.. Kaso nahihirapan talaga ako.. :')

Mahirap kapag oras at atensyon ang weakness..Ewan ko ba kung bakit hindi lahat nga tao nabibigyan ng gift na maging kuntento sa konting panahon na kayang ibigay sa atin ng mga partners natin.. Siguro para sa iba, mababaw na bagay lang to.. Haha mababaw nga lang yata to, hindi big deal, kumbaga.. Kaso, mababaw lang naman akong tao.. Kea sa lahat ng malapit sa kin ito ang nihahanap ko.. Dito ko nagkecrave..

Yung time management, niaaral ko na sya ng mabuti.. Masaya naman akong sabihin na medyo natututunan ko naman na yun sa ngayon.. Nagiging balance na ko ng pakonti konti, yun nga lang sumasablay pa rin madalas.. Haha..

Time is very powerful.. It can heal wounds and bruises.. It can make us fall in love.. But sadly, time can make us fall out of it as well..

Kung dadating yung point na sa dalawang taong nasa isang relasyon ay merong isang makakaramdam nito, walang dapat sisihin.. Wala naman sa kanila ang may gustong maramdaman to.. Kung nawalan ng time yung isa nang dahil sa hindi maiiwasang dahilan, ibig sabihin, hindi nya sinadya na gawin yun.. At kung ang isa naman ay unti unting nafe-fade ang nararamdaman nea dahil sa nawawalan na nga ng time yung isa, di rin naman niya ito ginusto, at panigurado namang ginawa nila parehas ang lahat para mag-work out ang kung anumang namamagitan sa kanila.. Siguro hindi na lang talaga kinaya..

Acceptance na lang siguro ang dapat gawin.. Oo, so sad kapag nangyari yun.. Pero at least minsan sa kani kanyang buhay ninyo, nalaman ninyo kung paano mag alaga at maalagaan.. At kung paano magmahal at mahalin..

(Bawal bitter, oy! haha..)

Thursday, September 8

Why do girls cut their hair after a break up.. =D

3 comments

Yesterday aft, I accidentally opened my old Facebook account. I made that account around August or September ata last year [for cheating and revenge purposes.haha!!].  That was the time kasi na yung previous relationship ko ay nagiging blurry na (though that relationship is magulo na talaga ever since. mas sobrang gumulo lang talaga that time..=D]
Na-excite akong i-check yung mga pictures na naka-upload dun and yung mga trashtalks na nipagpopost ko.. Natawa ako ng marami habang nibabasa ko yun kasi ang kulit kulit talaga ng mga wallposts ko.. Then, nung pag-check ko sa isang album, napatitig ako a screen.. eto kasi ang nakita ko..

(This photo was taken last Dec. 14, 2010, my 19th birthday)

Natawa ako ng bongga sa pic na to..  :D
Kelaking eyebags,  napakaikli ng buhok ko., payatot,
halatang indespair, at eto ang pinakamalupet,  yung T-shirt.  (Bongga..hahaha dami ko talagang tawa nung nakita ko to.. :D)

May nabuong tanong sa isip ko ..


Bakit nga ba nagpapagupit ng buhok ang mga girls after a disastrous break up??


[ Actually, hindi ko rin alam sa sarili ko ang sagot sa tanong na yan kea isheshare ko na lang ang nasa isip ko nung time na yun.. :) ]
wala pa mang formal break up, sakit na sakit na ang ulo ko that time.. everytime nakikita ko ang sarili ko sa salamin, sa paningin ko e palala ng palala ang pagkangarag ko.. Mahirap kasing mapunta sa sitwasyon na alam mong wala nang remedyo ang lahat ng mga nangyayari.. Tayo pa namang mga girls, pag problemang gaya neto e talagang sobrang dinidibdib, dumadating pa sa point na halos wala na tayong pakialam sa magiging itsura naten..

Nung nagising ako isang umaga, sobrang nawindang ako sa nakita ko sa salamin.. para na akong si Sadako sa laki ng eyebags ko.. Tapos nakabuhaghag ng bongga ang mahaba at straight kong hair.. Ako mismo, natakot sa nakita ko. haha!! Then my mind snapped. Nagmadali akong naligo, wala pa yatang 5 mins. Then nanghiram ako ng matalim na gunting kay lola ante.. Then pag akyat ko sa room, wala nang isip isip, yumuko ako at bigla kong ginupit ang hair ko nang hindi iniisip kung anong magiging itsura ko sa kagagahan na to.. Ang gusto ko lang kasi nun e magmukha na akong mas neat.. Kasi nga napansin kong may ilang linggo ko nang nahahawigan ang sarili ko kay sadako, ang pinaka-kinatatakutan kong horror movie character.. hohoho..

Pag-angat ko  ng ulo, nakita ko ang mga ngkalat na buhok sa floor.. mga less than three inches ang nabawas (xet ang mahaba haba rin yun maygad).. haha.. medyo above the shoulder yung pinakamaikling portion, at mga 1-inch below yung pinakamahaba.. Nipatuyo ko sa electric fan, ginamitan ko ng hair iron.. then presto. Bagong image na.. Natuwa naman ako sa nakita ko.. yun nga lang matagal tagal din bago ako nasanay.. After less than a month, saka lang ako nagkapiksur na maikli ang hair ko..

eto yung pinaka matinong pic na meron ako nun.. (nahiya na kong magpakita ng mukha at mukha akong eyebags na tinubuan ngmata. ilong at bibig that time. ahahahahahaha..) :P


Siguro kaya nagpapagupit yung mga babae after dumaan sa break up e dahil sa tingin nila (or namin pala) e magrereflect ang changes ng physical sa inner self.. Yun din yata ang iniisip ko nun.. Pero hindi ko naman na-achieve, sayang tuloy yung hair ko..hihi.. Nag nangyari tuloy sa kin nun e sa buong panahon na maikli ang buhok ko, hindi ako nakamove on sa trauma na inabot ko.. Parang nagserve yung short hair ko as hourglass para sa moving on process na nipagdaanan ko.. Pero nung humaba naman na sya.. (Worth it lahat ng paghihintay ko.. Hinayaan ko na syang makulot ng bongga, at di ko na nipastraight nang maiba naman. hahaha.. :D)

Isang magandang practice ang pagpapagupit ng buhok after ng break up para sa mga girls.. Kahit ano pang maging role neto sa tin, mapamaging motivation man sya, magserve as an hourglass chorva, or dahil dito e makahanap tayo ng bagong buhay-pag ibig, makakatulong at makakatulong pa rin to para mas maging madali ng konti yung pagdadaan natin sa traumatic feeling ng heartbreak.. ;)
 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review