Kagagaling namin sa Magallanes kanina, meeting ulit, as usual.. Yun lang ang dahilan kung bat ako pumasok, actually..
Panhik-panaog sa MRT station, labas masok sa mall.. Mainit.. tas biglang lamig.. Isama pa ang isangdaan at isang sakit sa ulo dahil kay Mr. Ever-demanding freelancer na contact namin sa isang prospect client namin (pinagalitan kasi ako!
:(( ). Resulta? binat ulit, sobrang sakit ng ulo, hilo at antok..
Pagdating dito sa opis, knock down na naman ako.. pumipintig ang sentido ko tapos sobrang nagugutom ako.. parang hinigop yung lakas ko na inipon ko kahapon nung umabsent ako.. Kakawalang ganang magtrabaho pag ganito pakiramdam. Buti nga medyo nabawas bawasan na yung bigat mg pakiramdam ko kasi yung major prob ko, hopefully, maging ok na mamaya.. At least may pag asa na ngayon.. Kahapon pakiramdan ko walang wala na,. :')
Kailangan ko ng pain and stress absorber.. Kailangan ko pa ng pahinga.. Kailangan ko ng stresstabs.. :))
0 comments:
Post a Comment