Thursday, July 28

Blogging..


Nagugutom na ko.. At dahil dyan, nawawalan na ako ng idea kung anong dapat kong ipost dito..

Mahirap mag-isip ng blogpost.. Sa totoo lang, ang pagba-blog ay hindi simpleng trabaho.. Hindi lang ito basta makapagcompose lang ng kung anong bagay for the sake na masabing "updated" blog ng blogger. Natatandaan ko pa nung una akong nag-attempt na gumawa ng blog (I was in my sophomore years then), nagkandaloko yung blog ko, nasira yung template, at wala talaga kong maipost na sa tingin ko e magiging interesante so I decided to delete it..
Pangalawang attempt ko e nung nag-oojt na ko dito sa Tech.. Sobrang desperate akong maexpress ang sarili ko that time, kaso wala naman akong time magsulat sa diary, kea lumitaw ang blog na to.. Pero sa pagtagal tagal ko dito, marami akong nadidiscover at natututunan.. I have to come up with an article na hindi lang puros pantatrashtalk at panguuyam sa kapwa ang laman.. Mas masarap magblog kapag sensible ang ipinopost.. Mas satisfying, kumbaga..
Sa pitong buwan ko sa paggamit ng blog na to,  hindi ko lang naeexpress ang sarili ko, nareretain ko pa ang knowledge ko sa coding na hindi ko na nagagamit ngayon sa work ko.. And it really makes me happy knowing that it was I who created all the stuff here..
Maganda ang merong sariling blog.. I can say na ito ang kabilang mundo ko everytime na gusto kong mag-escape na sa dami ng pressures at problema pati dilemma na hinaharap ko araw araw.. Sa twing bubuksan ko na ang blog ko, feeling ko pumapasok ako sa lugar kung saan ako lang ang pwedeng pumunta.. Pakiramdam ko immortal na ko.. Ang sarap kapag nakikita kong napreserve ko pala ng buong buo ang mga laman ng isip ko mula nung nagsimula ako, from every words.. pati yung feelings, nagrreflect ng bonnga sakin, as if bumabalik ako dun sa momrnt na nangyari yung event na yun..  Ugali ko naman kasi na me maisip at me mangyari lang e ipopost ko na agad,.
Walang sayang sa bawat oras na inilalagi ko sa loob ng account na to.. Kapag nandito ko, walang makakapanakit sa kin, akin ang bawat minuto ko.. at kapag andito ko, sigurado ako na lahat ng mga naririnig ko at nababasa ko rito ay puro totoo..

Hindi madali ang magblog.. mahirap mag-isip ng approach na makakacapture ng interests ng mga readers.. haha.. but if you don't intend to please others, then just be yourself. Or if you want, pagsamahin mo yung dalawang approach.. I'm sure mas magiging fulfilling ang pagbablog pag ganun.. :)

0 comments:

 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review