Wednesday, July 24

Conflict of Interest [?]

June 03, 2013 - Ito yung unang araw na nakatapak ako rito sa PhilRice bilang official employee nila rito. Information Systems Researcher II. Yan ang job title ko. anyabang noh? haha. Talagang mayabang yan. at mayabang ako dahil sa job title na yan..

I'm currently working here as graphic designer/front end coder/ programmer. Masaya, oo. sa bawat araw na lumilipas nararamdaman kong naggogrow ako batay sa kung anong profession ang dapat ko naman talagang ipraktis. Their paying me with an amount that is much, much more that I expected. Walang conflict sa pera(sarap. :D), di ko kinailangang magadjust sa working environment(ahem.Muñoz to), nasunod ko ang gusto ni mama na sa gov't/gov't related agency ako magtrabaho, at, panghuli, nagggain ako ng experience batay na rin sa kung ano ang plano namin ng aking butihing nobyo (naks! :D)

Maraming mga bagay ang ipinagpapasalamat ko ng maraming marami. sa nakalipas na mga buwan, ang tahimik na ulit ng buhay ko.. me direksyon. may aim sa dulo.. maayos. matured.

pero ano ba talaga ang dahilan kung bat andito ako ngayon sa harap ng laptop, kabud nakatunganga sa harap ng monitor, at hindi tumitigil ang mga daliri sa kadudutdot ng keyboard..?
ganito yan.may gusto kasi ako..

gusto ko sa field ng sales.. gusto ko sya noon, at hanggang ngayon gusto ko pa rin yun.. gusto ko ng fame, gusto ko ng active social life,. gusto ko ng travel.. gusto kong magenjoy..
pangarap ko yun eh.. pangarap ko dun eversince. kasi alam ko sa sarili ko na dun ko mararanasan yung lahat ng yun sa madaling paraan..
kukwestyunin mo yan? kukwestyunin mo yung mga gusto ko? yung pangarap kong trabaho? yun kababawan ng mga nababasa mo ngayon..?  wag please.. kasi 21 pa lang ako.. supposedly andidyan pa ako sa stage na yan.. Dapat nagagawa ko kung ano yung mga makakapagboost ng self esteem ko, makakaenhance ng social skills ko.. Dapat hindi ko nalalaktawan yung stage kung saan bata ako, yumayoung, wild and free, ika nga nila.

Oo masyadong short-term. Para sa mga taong matured mag isip sino ang gugusto ng ganung buhay. sino ang gusto sa motto na "bahala na bukas"? wala nun.. eng eng lang ang me gusto nun.. At nakakahiya mang aminin e hinahanap ng sistema ko yung ganung pakiramdam..

Kaninang mga past 2pm, may tumawag sa akin. naghesitate pa akon sagutin nung una kasi di ko nga ugali ang sumagot ng tawag na galing sa number na hindi nakaregister sa phonebook ko.. pero merong urge na nagtulak sa akin para sagutin yung phonecall..
at tama nga ako. sana hindi ko na lang sinagot.. kasi phonecall yun galing sa isa sa mga target companies ko na pagtrabahuhan as sales exec.
OK so para paikliin ang kwento, dinecline ko ang offer ni Sir Caller, HR ni company kasi nga may work na ako.. but he persisted; he asked me three times if am I really sure bout my decision. Kasi approved na raw application ko at final interview na lang ang kulang ko. kasi natapos naman na yung 2 interview ko nung buwan ng April at May.. But still pinili k0ng maging firm sa binitiwan kong desisyon..
pagkatapos kong makipagusap, ayun, natungaw na naman ako sa harap ng monitor ko, pilit inaabsorb yung pagpupumilit nya na magbago ang isip ko kasi raw maganda raw yung package na ibibigay sa akin.

hindi masaya ang pakiramdam ko. nako kung masaya sa feeling yun e hindi grievances ang mababasa mo dito sa busit na note na to. Nanghihinayang ako. nanghihinayang ako ng marami.. hm.. kahirap.. sa mga desisyon binitiwan ko nitong mga nakaraang buwan, andaming napuluido, lahat ng unnecessary stuff eh natanggal, including yung mga naiwan ko sa dating uri ng buhay ko bago ko piniling magsettle sa iisang tao.

maraming mga bagay ang hanggang ngayon e inaabsorb ko pa. hindi ko naman tinatanggi na gang ngayon e nasa adjustment period pa rin ako.. sa palagay ko naman yung mga ganitong pakiramdam e implied nang mararamdaman ko talaga, sa gago ko ba naman nung asa pampanga pa ko eh talagang matinding panininbago ang mararamdaman ko. sabi ko nga sa huling note na ginawa ko, abrupt masyado yung mga pagbabagong iniapply ko sa sarili ko nitong nakaraang anim/pitong buwan. kaya anong aasahan ko naman di ba. yun lang, di talaga maiiwasan na bumalik balik ako sa kung anong pinanggalingan ko, hindi para magstay dun kundi para palagi kong maisip at makita ang lahat lahat ng dahilan ko kung bakit pinili kong ibahin ang lakad ko at makita kung gaanong kabutihan ang idinudulot ng desisyon na to sa sarili ko at sa mga taong mahal ko at malapit sa akin.


(OK tama na yung sales sales na yan. magcode na. :D )



1 comments:

Unknown said...

echusera ka!!!! hahaha

 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review