Straight hair..
Manipis ang labi..
Chinita..
Petite..
Slim..
Mahinhin kumilos..
Palaging nakadress..
Naive..
Anong naiisip mo?.. Ang ganda nea, di ba..? ^^
Well sa panahon ngayon yan na ang standard ng salitang maganda dito sa atin.. Hindi ko alam kung sino ang nagpauso neto.. Pero nung minsan nagising na lang ako isang araw na eto na nga to, established na..
Because of this gradually-built standard of the word "Beauty", nung minsan sa kalagitnaan ko ng pagtatrabaho e napatitig ako sa kawalan at napaisip.. Sabi ko sa sarili ko, "Talaga bang ito yun..?", sabay harap sa salamin.. Napakamot ako sa batok ko... "Syet..hohoh..I broke all of them.. ", eto na lang ang nasabi ko..
Ako ang kabaligtaran ng lahat ng yan.. Literal na kabaligtaran talaga - Kulot at hindi nagsusuklay.. Makapal ang labi (malapit nang maging kasing kapal ng sa Bratz!).. Malaki ang mata (kung makamulagat pa e parang wala nang bukas.. OA..haha..).. Matangkad. Tore. (5'8" ang height).. Chubby( parang sa lahat ng body parts e me mapanggigigilan ka.amp.).. One-of-the-boys (though I love make up..pero kilos pa rin ang pinag uusapan naten so excluded yun.hihi..).. Loves jeans(Sa kapilya na lang ako nagpapalda! =D).. At masyadong maraming sinasabi palagi (Hindi nauubusan ng comments.parang karaming alam.mapagmagaling)..
Ibig sabihin ba neto e ang mga kagaya ko ay wala nang karapatang maging maganda..?
<<deym...>>
Super daya talaga ng standard na to.. Matagal din akong nagmukmok dahil dito before..
Pero nung minsan, sa pananahimik ko, bigla kong naisip paganahin ang kapilosopohan ko sa reasoning.. Nang dahil sa pagkafrustrate ko nakabuo ako ng quote para dito sa berat na dilemma na meron ako..
"Don't ask someone what beauty means, for it is the most subjective word ever created."
Ewan ko kung san ko nahugot yung idea para makabuo ng isang quote tungkol sa kagandahan.. Siguro masyado lang akong inspired na gisingin ang utak ng mga tao na mali ang ginagawa nila na gumagawa sila ng sarili nilang standard para sa mga bagay bagay..
Ito ang dapat malaman sa society natin kapag tinatanong nila ang eternal na tanong na simula't sapul e problema na ng bawat isang babae na nabuhay at nabubuhay pa - "maganda ba sya? ano sa palagay mo?"..
Mga babae jan, basahin at intindihin nyo to..
Hindi mo kailangan mayat mayang gumastos sa kakaparebond para masabihan ka na maganda..
Hindi mo kailangang iparetoke ang labi mo o pati ang ibang part ng mukha mo para lang makapasa sa standards na binanggit ko kanina sa taas..
Hindi mo kailangang magpakamatay sa hindi pagkain para makaattarct ng mga guys sa paligid mo..
Hindi mo rin kailangan baguhin ang ugali mo para masabihan kang sobrang feminine sa pagpapanggap mong mahinhin ka..
At hindi mo kailangang manahimik at magsawalang kibo dahil sa takot na masabihan kang "masyado kang maraming alam,kababaeng tao mo pa naman.".
All you need is yourself, with no pretensions and no plasticity..
Walang babae ang gustong masabihan ng panget, sino ba namang abnormal ang gusto nun.. Pero palagi nating tatandaan na ang kagandahan ay una, depende sa tumitingin, at pangalawa, sa kung paano mo dadalhin ang kung ano ang meron ka..
Insecured girls lang ang nagpupumilit na makisabay sa standards na yan (maliban na lang kung natural silang ganun syempre..^^).. If you are confident enough, wala kang dapat ipag alala kung makakapasa ka ba jan o hindi..
Because at the end of the day, kailangan pa rin tanggapin ng bawat isang tao na lahat ng babae ay maganda.. depende na lang sa babae kung nagagandahan nga ba sya sa sarili nea. :)
You are beautiful. There's no doubt about that..
Forget the norms and standards.
Hell those. ;p
-Otet ;*
1 comments:
i know right! im soo like you too. cheers for that. gurls like us, rocks! (in our own right~lol) \m/
Post a Comment